Anne Curtis, maraming karanasan

Nitong nakaraan ay naibahagi ng aktres at TV host na si Anne Curtis na naranasan na umano niyang isantabi ang pride sa ngalan ng pag-ibig.

Sa isang episode ng “It’s Showtime” nitong Martes, November 22, kung saan nagho-host sila ng segment na “Tawag Ng Tanghalan” ay napag-usapan ang kanilang mga karanasan sa love.

Ito ay nagsimula dahil sa lyrics mula sa kantang “Beggin’” na “I’m begging you” na kinanta ng mga contenders.

Natanong nga ni Vice Ganda si Anne kung sa totoong buhay ba ay naranasan niyang magmakaawa dahil sa pagmamahal lalo na’t isa siya sa mga magagandang mukha sa showbiz.

“Kasi siyempre may mga taong nangyayari sa kanila iyan ngayon tapos iniisip nila, ‘Ano ba itong nangyayari sa akin? Tama ba to? Mukha na ba akong tanga?’” lahad ni Vice.

“Totoo naman, yes, nangyayari talaga iyon. Oo, nangyari naman siya [sa akin], but I think yun lang din yung maganda. Because I think that is what makes you realize na saturation point na siguro iyon na makakahanap ka, na hindi ka na aabot sa ganoong klaseng puwesto na you’re begging,” sabi ni Anne.

Kuwento pa ni Anne, noong dumating raw ang point na hindi na niya alintana ang kanyang pride.

“Wala, wala, hindi mo iniisip yun, e. Durog yung pride. Hindi mo iniisip kasi mahal mo yung tao,” saad ng misis ni Erwan Heussaff at dagdag niya, kahit na ano pang estado mo, mapa “dyosa” o mapa-artista ka man ay walang itong bearing dahil sa pag-ibig.

Samantala, naging usap-usapan rin ang hiwalayan nina Anne at Sam Milby pero ngayon ay natagpuan na nito ang kanyang forever kay Erwan Heusaff at mayroon na rin silang cute little girl na si Dahlia.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial