Maja Salvador, patok

Dahil pumatok sa mga manonood ang karakter ng aktres na si Maja Salvador sa TV series na “The Iron Heart” ni Richard Gutierrez bilang kasintahan nito, may mga nagtatanong na kung posibleng ma-extend ang mga eksena ni Maja bilang ‘special participation’ sa serye.

Talagang all-out ang dalaga lalo na sa mga action scenes.

Nabanggit kasi sa mediacon ng “The Iron Heart” na kaya special participation si Maja bilang special woman ni Richard ay dahil abala ito dahil marami siyang shows na totoo naman dahil sa sitcom nga niyang OMK at bilang producer din ng programa iba pa ‘yung napapanood siya weekly sa “Eat Bulaga”.

Hindi nga naman kakayanin ng aktres ang segue-segue tapings lalo’t naka-bubble ang TIH.

Anyway, aabangan na ang Oh My Katapusan, The Final Act ng “Oh My Korona” na sa loob ng 16 weeks na pinatawa ng aktres ang Kapatid viewers ay naaliw sila sa karakter ni Lablab (Maja) at boarders ng Korona Residences.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial