Angelica Panganiban, maraming natutunan

Ngayong ganap nang nanay ang aktres na si Angelica Panganiban, marami umano siyang natutunan sa pagiging nanay dalawang buwan matapos isilang si Baby Bean at ayon sa kanya, sa maikling panahong yun ay napakarami na niyang natutunan sa pag-aalaga sa panganay nila ng kanyang fiancé na si Gregg Homan.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Angelica ang ilang tips sa mga tulad niyang first time mommy na naninibago pa sa mga pagbabago sa kanilang journey.

“Bago ka mag padede kapag 4am na, mag sipilyo, hilamos at umihi ka na. You’ll never know kung papayag pa ba siyang magpababa sayo (ibulong mo na din kay Lord na sana makaligo ka sa araw na ito),” sabi ni Angelica.

“Pangalawa, ipunin ang mga kailangan sa tabi mo kapag nagpa dede ka, remote ng tv, at ng aircon, libro, phone, charger, tubig at snacks. Pangatlo, hindi ka na makakapag damit. Tanggapin mo na, na naka bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo. Kasama na rin dito ang pag suklay ng buhok. What is hair brush na po tayo. Opo,” dagdag niya.

“Pang apat, kumain ng marami at mabilis. Pero bawal ang kalansing ng kubyertos at baka magising mo ang nabudol mong baby. Matulog kapag tulog si baby. Subukang pakalmahin ang isip. I know madami tayong gustong gawin at ma accomplish. Pero, tanggapin mo nang, hindi ka naman talaga makakatayo sa kinauupuan mo. Kaya matuto kang matulog ng nakaupo. Saludo ako sa lahat ng ina. Mabuhay tayong lahat,” ang pahabol pang papuri ni Angelica sa mga nanay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial