Jelai Andres, ayos lang kahit ma-bash

Aminado ang social media influencer na si Jelai Andres na sanay na siya sa mga nakukuha nilang bashing online at maayos na rin umano sila ng kapwa influencer na si Zeinab Harake na kamakailan ay dumaan sa kontrobersya. Nadamay din siya sa isyu.

“Okay po kami ni Zeinab hindi po kami nagkaroon ng isyu kasi nag-sorry naman siya agad-agad. Sabi ko sa kanya, ‘wag mong intindihin ‘yan okay lang ‘yan. Para sa akin po wala na ‘yun sa rami ng pinagdaanan ko sa buhay hindi ko na (aksayahan ng panahon) para intindihin pa mga ganu’n. Wala po sa akin ‘yun,” sabi ni Jelai.

“Matagal ko nang kilala si Zeinab na bardagulan kung magsalita kaya hindi po ano para mag-away kami kasi kaibigan ko po siya. Para sa akin okay lang ‘yun saka pag harapan kami (mas matitindi pa bardagulan). Marami siyang pinagdaraanan kaya para sumabay pa (ako),” dagdag niya.

Ayon pa sa dalaga, nagkaroon na sila ng collaboration ni Zeinab kasama ang isa pang kaibigan nilang si Donnalyn Bartolome noong unang linggo ng Nobyembre.

“Four years na po kaming magkakaibigan. Sa mga hindi po nakakaalam lagi kaming magkakasama pero walang vlog. ‘Yung bonding namin hindi kami nagba-vlog. Kaya kung mapapansin ninyo sa channels namin ang video namin (magkakasama) sobrang dalang kadalasan kapag mayroon may birthday, tulad nu’ng Halloween kay Donna, tapos ‘yung birthday ko last February (2022). Kasi kapag magkakasama kami, nagba-bonding talaga hindi ‘yung vlogging,” paliwanag ni Jelai.

Sanay na sanay na raw sila sa issues at bashers at minsan lang daw siya pumatol dahil mainit ang ulo niya at depressed.

“Minsan lang po (ako pumatol) kapag po minsan, mainit ang ulo ko o kaya depressed ako, tapos may nakita akong nakakaasar,” sabi ni Jelai.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial