Zeinab Harake, aminadong yumabang

Aminado ang social media influencer na si Zeinab Harake na naging mayabang siya nang makaramdam ng kasikatan.

Sa kanyang interview kay Boy Abunda, diretsahan nga siyang natanong kung lumaki nga ba ang ulo nito matapos makilala ng madlang pipol.

“You’re one of the most-loved social media stars. Sumikat ka nang husto. May mga pagkakataon ba na yumabang ka?” tanong ni Boy kay Zeinab.

“Opo, meron. Hindi tayo magpapaka-plastic. Like, meron po talaga na hindi mo makokontrol,” diretsong sagot ng social media influencer. “Pero hindi ko naman po siya para makasakit ng iba. Hindi ganoon. “Nami-misunderstood lang kasi yung bunganga ko minsan talaga, taklesa ako, e. Natural lang iyon sa bunganga ko.”

Ayon pa kay Zeinab, may mga taong minamasama ang ugali niya at sinasabihang mayabang pero para sa kanya naman niya ay ibinahagi niya lang ang nasa isip niya.

Bukod rito ay hindi naman maiwasan na hindi matalakay ang isa sa mga malalaking kontrobersiyang kinasangkutan niya kamakailan kung saan marami ring mga big stars ang nadamay maging ang mga malalapit niyang kaibigan.

Matatandaang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng talent manager na si Wilbert Tolentino na siyang nagsiwalat ng mga “resibo” ng mga pinagsasasabi ni Zeinab na hindi maganda sa kapwa vloggers at celebrities.

Sinabi pa nga ng talent managera traydor raw ang social media influencer.

Inamin naman ng vlogger ang kanyang pagkakamali at humingi ng kaptawaran sa mga taong nabanggit at napagsalitaan niya ng hindi maganda.

At dahil nga sa nangyari ay nasabi niyang nahirapan siyang patawarin ang kanyang sarili sa mga nangyari.

“Ako din napi-feel sorry ako sa sarili ko kasi, ‘Ano bang pinaggagagawa mo? Anong tingin mo sa sarili mo?’ parang may mga ganoon ako. Tapos ang unfair kasi sa part ko yung sarili ko di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman, e. Masyado na akong nilalamon ng kung anu-ano and sa sobrang daming [pinagdaanan] nawawala ako,” sabi ni Zeinab.

“Nawawala talaga ako. Di ko pa din alam kung saan ako dadalhin, kung saan ako ngayon,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial