Glaiza de Castro, best actress

Glaiza  de Castro,  best  actress

Nagwagi sa 2022 Filipino Arts and Cinema International o FACINE film festival sa Amerika ang aktres na si Glaiza de Castro kung saan nakopo niya ang Best Actress award.

Ang pagkilala sa aktres ay para sa kanyang pagganap bilang si Commander Liway sa drama film na "Liway" na based sa true story noong panahon ng martial law.

Taong 2018 nang maging parte ng Cinemalaya film fest ang drama film at nagwagi ito ng "Special Jury Commnedation" at "Audience Choice" awards.

Ikinuwento ni Glaiza sa kanyang Instagram na ang direktor na si Kip Oebanda ang nagsabi sa kanyang napanalunan at tila hindi siya makapaniwala sa panalo.

"So I got these messages at around 2am here in Canada saying something about Liway getting awards. Di ko naintindihan agad then @kipoebanda told me that I just won another award. Huwatttt.
Maraming salamat @facinefilmfestival. It's an honor po knowing that the winners were selected by an esteemed panel of three jury members: Film scholar, critic, author JB Capino, Indonesian film scholar, curator Gaston Soehadi and film and theater actor, academic Sunita Mukhi. Mahuhay ang pelikulang Pilipino (Philippine flag emoji)" sabi ni Glaiza.

Hinikayat din ni Glaiza ang publiko na panoorin ang "Liway" na libreng mapapanood sa YouTube ni Direk Kip.

Dahil sa good news, marami ang nagpaabot ng "congratulatory" messages kay Glaiza at kabilang sa mga celebrities na nagkomento ay sina Angelica Panganiban, Barbie Forteza, Rita Daniela, Dingdong Dantes, Ashley Rivera, at marami pang iba.

Kasalukuyang nasa Canada ang award-winning actress at abala sa taping ng bagong pelikula na may titulong "Kahel."

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph