Zeinab Harake, pinayuhan

Pinayuhan pala ng TV host at businessman na si Willie Revillame ang kontrobersyal na social media influencer na si Zeinab Harake nang mag-guest ito sa show na “Wowowin” na mapapanood sa ALLTV araw-araw.

Ayon kay Willie, sana ay mapatawad niya ang ama ng kanyang anak.

“Yung anak mo, may tatay yan. Dapat ‘yung anak mo, mahalin ‘yung tatay kasi at the end of the day, anak pa rin niya yan at tatay pa rin siya,” sabi ni Willie kay Zeinab.

Inihalintulad pa nga ni Kuya Wil ang kanyang mga naging karanasan sa pakikipagrelasyon kung saan kahit na nauwi siya sa annulment ay hindi siya sumuko at doon siya natututo sa buhay.

“At the end of the day, dapat ang puso mo, there’s always forgiveness, may pagpapatawad,” dagdag pa niya.

Pero base na rin sa naging pahayag ni Zeinab noon sa isang presscon para sa kanyang brand endorsement, inamin niyang hindi siya sang-ayon na makipag-coparenting kay Skusta Clee.

“Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan. Yung baby ko po, baby ko lang po ’yon. Akin lang po ’yon,” saad ni Zeinab. “Paano ko ididikit ang anak ko sa taong hindi ako magiging kampante na kasama ng anak ko? Hindi rin ako magiging palagay. Gusto ko lang naman lahat ng best para sa kaniya.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial