Rabiya Mateo, emotional

Naging emotional ang aktres at beauty queen na si Rabiya Mateo nang sorpresahin ng ina sa selebrasyon ng kanyang 26th birthday at bumaha ng pagbati sa social media mula sa mga kaibigan at supporters.

Nagbigay pa ng pa-surprise birthday ang mga katrabaho niya sa daily morning variety show ng GMA 7 na “TiktoClock” with her co-hosts Pokwang and Kim Atienza.

Sa isang bahagi ng nasabing special episode ng show ay biglang may bumati kay Rabiya. Walang siyang kaalam-alam na babatiin siya ng kanyang ina via phone patch.

At nang marinig nga ng dalaga ang boses ng kanyang pinakamamahal na nanay ay naluha nga si Rabiya. Pagbati ni Mrs. Christine Mateo sa anak, “Happy birthday, magpakabait ka diyan. Magiingat ka parati.”

Ang tanging wish lang daw ni Mommy Christine kay Rabiya ay, “Sa 26 years old mo na edad sana ganoon pa rin tayo. Mahal na mahal ka ni mama mo.”

Kitang-kita naman sa mukha ni Rabiya ang sobrang kaligayahan nang batiin siya ng ina, “Thank you mama, I love you po.”

Samantala, sa Baguio naman napiling ipagdiwang ni Rabiya ang kanyang kaarawan. Makikita sa kanyang Instagram page ang ilang litrato na kuha sa iba’t ibang lugar sa Baguio suot ang kanyang OOTD.

Sa isang IG photo, makikita si Rabiya suot ang kanyang oversized black and white knit dress with matching Doc Martens boots.

Kuha ang nasabing picture sa loong ng La Trinidad Strawberry Farm, na isa sa mga sikat na sikat na tourist destination sa Baguio. Dito pwede mong ma-experience ang mamitas ng strawberry.

Binisita rin ni Rabiya ang sikat na sikat ding butterfly farm sa tinaguriang Summer Capital of the Philippines. May isa siyang ipinost na litrato ng itim na paru-paro na siya mismo ang kumuha.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial