Ginahasa? Bangkay ng Grade 10 sa talahiban

Hubo’t-hubad at hinihinalang ginahasa nang matagpuan ang wala nang buhay na dalagita sa isang madamong lugar sa Bogo, Cebu, nitong Sabado.

Sa ulat ng Bogo Police, 3:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang kinilalang si Jeanelle Maekylla Royos (15) sa isang masukal na damuhan sa Purok Magenta.

Base sa salaysay ng nakatuklas ng bangkay, pinapakain niya umano ang kanyang mga alagang kambing sa madamong lugar nang laking gulat na lamang niya nang makita ang labi ng biktima.

Nataranta ito at mabilis na tumakbo saka humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng pulisya ay nakitaan ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Napag-alaman naman mula sa mga kaibigan ng biktima at isa na nga dito ay kinilalang si Bhalcy Pepito Bercero, 19, ay huli umano nilang nakitang buhay ang biktima nang manggaling sila sa birthday party ng kanila ring kaibigan, pasado alas-12:00 ng hatinggabi.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. Inaalam na rin kung sino ang nasa likod ng krimen.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial