Pagbubukas ng Manila Zoo, iniurong muli

Maghihintay na naman ang mga nais bumisita sa Manila Zoo dahil ipinagpaliban na naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbubukas nito sa Nobyembre 21 na dapat ay ngayong araw bubuksan.

“Sa pakiusap ng mga stall owners para lalo nila mapaganda at mapaghandaan ang tuluyang pagbubukas ng Manila Zoo, minabuti natin na ipagpaliban muna ang pagbukas ng Manila Zoo from November 15 to November 21,” saad ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Bagaman sarado pa ang zoo, may ilang pamilya ang nagbabakasakaling makapasyal sana nitong Lunes pero hindi sila pinapasok.

Pinababalik na lang sila ng mga tauhan ng city hall na nakabantay sa zoo sa muling pagbubukas sa Lunes.

Sa mga may balak pumunta sa Manila Zoo sa reopening nito, bukas ang pasyalan alas-9 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi pero magpapatupad ng cut-off alas-6 ng gabi.

May bayad din sa pamamasyal sa zoo: P300 sa mga matatanda at bata na hindi residente ng Maynila, habang P150 sa mga nakatira sa lungsod.

Nasa P100 naman ang bayad sa mga estudyanteng taga-Maynila habang P200 sa mga hindi taga-lungsod.

May 20 porsiyentong discount ang mga senior citizen at person with disability, habang libre ang mga batang edad 2 taong gulang pababa.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial