Traffic enforcer kalaboso sa pangmomolestiya ng dalagita

Shoot sa selda ang isang traffic enforcer na umano'y nangmolestiya ng isang menor de edad  Biyernes ng hapon sa Navotas City.

Dinampot ang suspek na kinilalang si Jade Roles (45), ng Blk. 18, Kapalaran 1, Brgy. San Roque, habang abala itong nagmamando ng daloy ng trapiko.

Dinakip si Roles ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 3 ng Navotas Police sa joint manhunt operation 2:15 ng hapon sa kanto ng M. Naval St. at P. Gabriel streets, Brgy. Sipac-Almacen.

Ang pagkaka-aresto ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emmanuel D. Laurea ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169, Malabon City para sa kasong paglabag sa Section 5 (B) ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Napag-alamang inireklamo ang suspek ng magulang ng 16 anyos matapos umano nitong molestyahin ito.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph