Ginang patay sa selos

Kinulata ng saksak ng isang mister ang kanya mismong misis dahil umano sa matinding selos sa Lalawigan ng Cagayan nitong Miyerkoles.

Sa ulat ni Sanchez Mira Police deputy commander PLt. Elixer Reolabas, ay kinilala ang biktimang si Pamela Puzon, 28, habang ang suspek naman na kanyang asawa ay si Joshua Puzon, 28 din at pawang residente ng Brgy. Centro I, Sanchez Mira.

Kararating lamang umano noon ng suspek na padabog na kumatok sa kanilang pinto, habang ang kanyang misis at dalawang anak ay nasa loob ng kanilang bahay, nang pagbuksan na ng pinto ay walang ano-anong dinamba siya ng mister.

Agad ding nakatakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo, habang agad namang nakahingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay ang dalawa nilang mga anak.

Mabilis ding naisugod sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito pinalad pang mabuhay at nasawi habang nilalapatan ng lunas dahil sa hindi bababa sa walong tama ng saksak sa buong katawan.

Sa isinagawang manhunt operation ng pulisya ay agad ding nadakip ang mister nito sa bahay ng kanyang kaanak sa Apayao.
Napagalamang matinding selos umnao ang naging dahilan kung bakit kahit sa harapan ng kanilang anak ay nagawa ng suspek ang karumal-dumal na krimen.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong parricide.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph