Pia Wurtzbach, may gustong baguhin

Pia Wurtzbach, may gustong baguhin

Inihayag ni 2015 Miss Universe at aktres na si Pia Wurtzbach na may gusto siyang baguhin sa naging sagot s'ya sa unang question-and-answer round ng Miss Universe pageant kung saan s'ya ang itinanghal na winner.

Sa kanyang vlog, inamin ng dalaga na may gusto siyang i-tweak sa kanyang naging sagot sa beaucon na naging daan rin naman upang makopo niya ang korona para sa Pilipinas.

"Itu-tweak ko na lang s'ya nang sobrang konti. Hindi ko na siguro sasabihin 'yong 'which is the Philippines' kasi halata naman na taga-Philippines ako but sinabi ko pa s'ya," sabi ni Pia. "'Yun lang ang ii-edit ko tapos bawas kaba. Kasi kitang-kita sa face ko na takot na takot ako, e. 'Yong mata ko, lisik na lisik."

"Feeling ko talagang naka-tsamba na ako nu'n. Hindi ko na s'ya papalitan," dagdag pa niya.

Dito na rin n'ya inamin na kung may papalitan daw s'ya kung mabibigyan ng chance, ito umano 'yong naging sagot n'ya sa first-round ng question-and-answer segment.

Matatandaang natapat sa kay Pia ang tanong na: Do you think the United States should have a military presence in your country?

"Siguro 'yong papalitan ko 'yong sagot ko sa ibang question. 'Yong tungkol doon sa military bases in the Philippines," sabi ni Pia.

Kung matatandaan, ang naging sagot ni Pia sa katanungang iyon ay "I think the United States and the Philippines has always had a good relationship with each other. We were colonized by the Americans and we have their culture in our traditions even up to this day. And I think that we're very welcoming with the Americans and I don't see any problem with that at all."

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph