Catholic Church failed to become ‘Church of the Poor’

Napakaganda ng sinabi ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa kanilang “SYNODAL” consultations noong nakaraang Agosto kung saan inamin niya na ang Simbahang Katoliko failed to become the “Church of the poor.”

Ito ay binanggit ng Radio Veritas nitong 29 August kung saan sinabi ni Cardinal Advincula ang kanyang saloobin na mayroong malaking gap sa pagitan ng Simbahan at ang mahihirap na tao sa ating bansa dahil ang kanilang hinaing ay hindi napapakinggan.

“During our Synodal consultations in the Philippines, one of the most disturbing realizations we had is that our local Church is far from being with the Church of the poor that we aspire to be,” ayon kay Cardinal Advincula.

“There is a dark and wide gap between the Church and the poor in our country. The Church does not know the poor, and that poor do not know the Church. Our poor and marginalized brethren feel that their views and values are disregarded in our Church communities and organizations,” dagdag pa nito.

Sa ating palagay, tama po ang obserbasyon ni Cardinal Advincula patungkol sa nangyayari pagtrato sa mga mahihirap na mamayan para bagang sila ay namamalios ng awa bago mapansin at tinitingnan ng mula ulo hanggang paa na mali sa katuruan ng Simbahang Katoliko kasi malinaw na dapat na mas tingnan sila.

The church’s humility should not end in providing aid and spiritual guidance but is also in taking part in the actual life of the poor.

Idinagdag pa nito na, “He also believes that it is important for the church to journey with the poor to impart the blessings of God and advocate for their dignity.”

Korek po iyan kasi pagkaminsan akala ng mga naglilingkod sa ating Simbahan ay tama na iyong maglingkod at magdasal pero bahala na ang mahihirap kung ano ang kanilang gagawin sa kanilang buhay.

Pero malinaw po ang sinasabi ng ating mahal na Cardinal Advincula na sumamang maglakbay kasama ang Simbahang Katoliko upang punuan ang pagkukulang na ito patungkol sa mahihirap nating kababayan.

Matagal ko na pong napapansin iyan lalo na sa mga paaralan at unibersidad na pinapatakbo ng Simbahang Katoliko, napakatataas ng tuition fee at talagang ang meron lamang kakayahan o mayayaman ang puwedeng makapag-aral dahil kumbaga malaking bahagi ng kanilang kinikita ang mapupunta doon.

Hindi po ba dapat na mabigyan din ng prayoridad ang ating mga mag-aaral na salat sa buhay namabigyan ng quality education coming from religious institutions?

Tanong lamang po ito kasi maging ang ating bayaning si Jose Rizal na hindi naman maituturing na mahirap pero tinanggihan ng isang unibersidad na run by friars then.

Sang-ayon tayo sa obserbasyon ni Cardinal Advincula at saludo po tayo sa tibay ng loob niya sambitin ang pagkukulang ng Simbahang Katoliko sa mga mahihirap nating mamamayan. Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial