Barbie Imperial, umalma sa tsismis

Barbie Imperial, umalma sa tsismis

Inalmahan ng aktres na si Barbie Imperial ang mga kumakalat na tsismis na siya umano ang naging dahilan nang paghihiwalay ng aktor na si Carlo Aquino at nobya nitong si Trina Candaza at sa kanyang bagong vlog, nilinaw ng dalaga ang mga kumakalat na balita.

"Teh? Kailan ba sila naghiwalay? Kailan ba naghiwalay si Carlo tsaka si Trina? Last year pa. Tapos nagka-movie kami ni Carlo, this year lang. Ako na naman sinisisi n'yo?" mataas ang tonong saad ni Barbie nang mabasa ang comment ng isang netizen.

Ang sinasabing movie ng aktres ay ang "I Love Lizzy", ang pinakabagong proyektong pinagsamahan nila ng aktor na parte ng 30th anniversary ng Star Magic.

Matatandaang noong May 2022 nang ibalita nina Carlo at Barbie sa kanilang social media accounts ang bagong pelikulang pagsasamahan nila.

Marahil ay kaya nadamay na naman ang pangalan ng dalaga sa nangyaring hiwalayan ng dalawa dahil may kumakalat na video kung saan makikitang sweet at nagtatawanan habang nag-uusap ang aktres kasama si Carlo na tila kuha sa labas ng airport.

"Parang 'yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako 'no? Parang everytime na may nagbe-break, ako talaga pero wala namang proof na ako talaga 'yun tsaka. Guys sinabi ko na ito sa last vlog ko. Hindi nga ako kabit. Okay? Hindi," giit ni Barbie.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph