Andrea Garcia, natupad ang pangarap

Andrea Garcia, natupad ang pangarap

Aminado ang up and coming sexy actress na si Andrea Garcia na bata pa lamang siya ay alam na niya na pag-aartista ang tatahakin niyang landas at talagang suki siya ng mga acting workshops upang matupad lamang ang kanyang pangarap.

At ngayon ngang nakapasok na siya sa mundo ng showbiz, sinabi ng dalaga na solid self-confidence ang kanyang naging armas para makapasok sa mundong nais niyang galawan at matapos noon, nakapasok na rin siya sa Viva.

"'Yong story n'yan, nakita ko 'yong pangalan ng road manager ko sa bio ni AJ Raval. So, sinearch ko s'ya sa Instagram tapos minessage ko s'ya," kuwento ng dalaga. "Sabi ko lang, 'Hi po. Gusto kong maging artista. Gusto ko sana mag-join sa Viva.'

Tapos 'yon, in-invite ako ni Kuya John Navarro dito sa Viva office, hanggang sa contract signing na… So, yeah, dahil sa kapal ng mukha."

Aminado rin si Andrea na hindi niya ipinaalam ang desisyon niya sa kanyang pamilya, pero paliwanag niya, supportive naman ang kanyang lola na beteranang aktres rin na si Marissa Delgado.

"Yes, kasi sumasama ako sa taping ng grandma ko so nakikita ko sila Sharon Cuneta, sila Julia Barretto, ganyan. Tapos tinitingnan ko every summer, nagwo-work shop ako. Ito talaga 'yong path na gusto ko," sabi ng dalaga.

"Acting is really my number one passion. As in, acting and singing. 'Yang dalawang 'yan. Medyo nahihiya lang ako sa singing pero p'wede nang ilaban," dagdag pa niya.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph