Maja Salvador, balik ABS-CBN uli

Maja Salvador, balik ABS-CBN uli

Mukhang balik Kapamilya na ang aktres na si Maja Salvador matapos kumalat ang mga larawan ng aktres sa social media kung saan kasama niya ang mga Kapamilya stars na sina Richard Gutierrez, Karina Bautista, at Kyle Echarri.

Sa Cebu umano ang lugar kung saan nakunan ang litrato at tila bang nagte-taping sila para sa isang teleserye.

Kinumpirma mismo ng Star Creatives TV ng ABS-CBN matapos itong mag-post ng behind the scenes o BTS ng kanilang taping para sa bagong aabangang teleserye ng madlang pipol.

Bibida si Maja sa teleseryeng "Iron Heart", isang action-drama series kung saan bukod kay Richard Gutierrez makakasama rin niya sina Jake Cuenca at Sue Ramirez.

Taong 2020 pa ng huling magkaroon ng teleserye ang actress-singer sa ABS-CBN na "The Killer Bride".

Samantala, super happy naman ang mga supporters ni Maja dahil may bago na naman silang aabangan na show ng aktres maliban sa "Oh My Korona" na napapanood sa TV5 at "Eat Bulaga" kung saan isa rin siya sa mga hosts.

Hindi naman kataka-taka na mapapanood sa iba't ibang TV networks ang aktres dahil isa itong freelancer at patuloy itong mapapanood sa TV5 at GMA-7 sa kabila ng pagbabalik nito sa paggawa ng teleserye sa Kapamilya network.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph