Francine Diaz, puwedeng mahulog

Francine Diaz, puwedeng mahulog

Aminado ang young actress na si Francine Diaz na posible siyang mahulog at magka-gusto sa kanyang ka-loveteam na si Seth Fedelin.

Nang matanong kasi ang dalaga puwede ba siyang magkagusto kay Seth sakaling magkadebelopan sila bilang magka-loveteam sa isang lie detector test challenge sa pinakabagong vlog ng The Squad 2022 kung "may chance ba na magkagusto ka sa akin?"

Mabilis sinagot ang tanong ni Francine ng, "Yes" at ayon sa lie detector, nagsasabi ng totoo ang aktres. Kasunod nito, in-explain ni Francine ang kanyang sagot.

"Baka. Kasi lagi naman tayong magkakasama, at saka matagal na naman tayong magkakilala," pahayag ng dalaga. Ilang taon din silang nagkasama ni Seth Kapamilya series na "Kadenang Ginto."

Sundot na tanong ni Seth kay Francine, kung ano ang magugustuhan sa kanya ng dalaga na sinagot naman ng aktres ng, "Humor."

Ayon sa dalaga, walang dull moments kapag magkasama sila ni Seth at ng iba pa nilang kaibigan at katrabaho. Talaga raw maraming baon na pampa-good vibes ang binata kaya palagi lang masaya.

Inamin din ni Francine na isa siyang certified "NBSB" o no boyfriend since birth at wala rin daalw nanliligaw ngayon sa kanya.

Bago ang lie detector test kay Francine, una munang sumabak si Seth sa naturang challenge kung saan inamin niya na nagka-crush siya sa ka-loveteam.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph