Erika Portunak, naka-follow uli kay Kobe Paras

Erika Portunak,  naka-follow uli  kay Kobe Paras

Ilang linggo matapos kumalat ang balitang pag-unfollow nina Erika Poturnak at Kobe Paras sa kani-kanilang Instagram accounts, napansin na ng ilang mga netizens na naka-follow na ulit sila sa isa't isa.

Kung matatandaan, kasi, umugong ang balitang may something sa kanilang dalawa at hindi rin naman nagtataka ang ilan nang biglang mag-trending ang dalawa kahit wala pang kumpirmasyon kung ano nga ba sila sa isa't isa.

At eto na nga, marami ang nagulat matapos mamataang nag-unfollow ang dalawa sa isa't isa sa kanilang Instagram account at napansin rin ng mga netizens ang tila pagbubura nina Erika at Kobe ng kanilang mga larawan noong magkaroon sila ng beach getaway noon sa Bali, Indonesia at iba pa nilang lakad.

Marami ang naging curious dahil noong nag-celebrate ang binata ng kanyang ika-25th birthday ay nag-post pa ang dalaga ng kanilang sweet pictures habang magkasama sa West Hollywood, California.
At mukha ngang okay na ang dalawa dahil nakita na ng mga netizens na muli na nilang pina-follow ang isa't isa ngunit mukhang burado pa rin ang kanilang pictures together at naka-private na ang account ng anak nina Benjie Paras at Jackie Forster.

Bagamat wala pa rin silang inilalabas na pahayag sina Erika at Kobe kung ano nga ba ang nangyari sa pagitan nilang dalawa na hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung may label na nga ba sila o wala.

Matatandaang June 15, 2022 nang una silang mamataan ng mga netizens na magkasama sa isang beach getaway at noong June 28 naman nang makita sila together habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia kasama ang kanilang mga kaibigan.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph