Herlene Budol, may TV series

Herlene Budol, may TV series

Magkakaroon umano ng dalawang TV series ang komedyana at beauty queen na si Herlene Budol sa GMA 7 at magkakaroon din siya ng pelikula na siya talaga ang bibida.

"Happy po ako at ita-try po nilang pagkatiwalaan ako pagdating po sa pag-akting. At ibibigay ko po sa lahat ng ginagawa ko yung best ko para hindi po talaga sila magsisi," saad ni Herlene.

Pero wala pa umano siyang napilili kung sino ang kanyang magiging leading man.

Ayon sa dalaga, matagal na niyang pangarap na makatrabaho ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards pero mukhang imposible raw na matupad ito very soon dahil may mga gagawin nang ibang projects ang aktor.

Pero kung kami ang tatanungin, sana si Alden nga ang mapiling leading man ni Herlene sa gagawin niyang serye para maiba naman. Siguradong marami ang maku-curious sakaling magtambal nga ang dalawa sa isang proyekto.

"Para sa akin, kung sino na lang yung ibigay kasi. Pero hindi naman po ako choosy kung ako ang mamimili," sabi ni Herlene.

"God's will pa rin po 'yan. Kung ano po yung ibinigay na lang po sa akin para… safe po yung sagot ko. May manager po kasi ako ngayon. Kung ano po ang sabihin ni Sir Wilbert (Tolentino) du'n na lang din po ako susunod," sabi pa ng dalaga.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph