Heart Evangelista, nababash na naman

Heart Evangelista, nababash na naman

Ayaw talagang tantanan ng mga netizens ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista dahil sa mga naglabasang post ng aktres suot ang isang Moschino outfit na may mga nakapalamuting mga kubyertos sa black outfit niya.

Ang kanyang kasuotan ang nagtrigger nang pag-bash sa kanya.

"Para sa akin lang ha.. nagmumukhang cheap or pumapanget sa kanya mga damit. She is trying too hard to impress the fashion world by just putting it all together and claiming it as her style. Pinaghalo halong ulam tapos sinerve at tinawag na gourmet parang ganun. At lumiliit sya lalo sa mga suot nya hehe. opinion ko lang naman kbye," saad ng isang netizen.

"Kung rumampa siya akala mo Superstar o Hollywood level haha super confident. Focus ka na diyan sa new career mo Hearty!"

"Maski moschino pa yan at maski gaanong kamahal, the outfit still looks tacky. Kinda funny too. Baka mapagkamalang buang yung nagsuot niyan."

"Chaka ng outfit. Dapat humingi c heart dyan ng malaking talent fee dahil Sa laki ng kahihiyan niya Sa pagsusuot nyan LOL," sabi pa ng isa.

Pero siyempre, nariyan pa rin ang mga fans ni Heart na nagtanggol sa kanya.

"Moschino is known for quirky designs. Keri naman ni Heart. Fashion pa din."

"May Hollywood star din na ganito ang suot e pero silver utensils naman."

"Hayaan nyo na the brand paid her to wear this."

"She can pull off everything..class tlg khit pangit suot nya mnsan napapaganda nya."

"I like her, fun to watch her with mix of laughter, class and enjoyment… I see that her outlet away from problem is fashion…

Pang international na talaga sya," saad ng ilang mga netizens.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph