Pinas, Republic of Korea, nagkasundo

Palalakasin pa umano ng Pilipinas at ng Republic of Korea ang maritime cooperation sa ginanap na Maritime Dialogue sa Busan at magkasamang pinangunahan nina Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs Maria Angela A. Ponce at PH Ambassador Ma. Theresa B. Dizon-de Vega ang PH delegation habang ROK delegation delegasyon mula ROK ay pinangunahan ni Director General for ASEAN and Southeast Asian Affairs Bureau Cecilia Jung ng Korean Ministry of Foreign Affairs.

Ayon kay Ponce, ang kasunduang ito sa pagitan ng Pilipinas at ROK “will further deepen and broaden the already dynamic cooperation and support between our two countries.”

Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs na tinalakay ng PH at ROK ang pagkakaisa at pagtutulungan sa maritime domain awareness, marine environment protection, at ocean economy.

Napagkasunduan din ang palitan ng best practices, pagpapalakas ng capacity-building programs, defense at maritime law enforcement, technology transfer sa maritime transport at maritime education.

Binigyang diin din ng Pilipinas at Korea ang kahalagahan ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS bilang patnubay sa anumang pangkaragatang aktibidad para sa freedom of navigation and overflight at sa pagsasaayos ng anumang hindi pagkakaunawaan.

Ang bagong mekanismong ito ay kasabay na rin ng ika-75 anibersaryo ng Ph-ROK relations. Ang Pilipinas naman ang magho-host ng ikalawang Maritime Dialogue sa susunod na taon.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial