Fake kidnap victim kinasuhan

September 23, 2022

Bistado ang kwentong-barbero ng isang dalaga na nag-viral kamakailan dahil umano sa tangkang pagdukot sa kanya ng nakamotorsiklo sa Caloocan.

Sakit sa ulo ang idinulot sa magulang ngayong patong-patong na kasong kinakaharap ngayon ng dalagang umano’y sinungaling.

Setyembre 4 nang humingi umano ng tulong ang dalagitang itinago sa pangalang “Fate” ng pulisya; may paiyak-iyak pa nang humingi umano ng saklolo sa pulisya.

Ayon kay Caloocan City Police chief PCol. Ferdinand Del Rosario, ay Setyembre 5, 2022 umano nang kumalat sa social media ang video ng isang babae na tila ba pinipilit ngang isakay ng isang lalaking nakasuot ng puting tshirt, pantalon at itim na helmet sa kanyang motorsiklo, 5:45 ng hapon, sa kahabaan ng Alma Jose Street, Brgy. 177, North Caloocan.

Makikita rin sa video na tumatanggi ang babae na sumakay ngunit hinabol pa siya ng sinasabi niyang kidnapper hanggang sa main road ng nasabing kalye.

Ngunit, sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, napag-alamang hindi nagsasabi ng totoo si Fate at nalaman din na kilala pala nito ang lalaking nagpupumilit na isakay siya.

May pagkakataon pa sana umanong mabawi ni Fate ang kanyang salaysay upang maabswelto ngunit naipasa na sa piskalya.

Sa ngayon ay natanggap na umano ni Fate ang mga kopya ng reklamo na isasampa sa kanya.

Binura na rin umano nito ang video na kanyang ipinost sa kanyang socmed account.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial