Alessandra de Rossi, showbiz ang pinili

September 20, 2022

Inamin ng aktres na si Alessandra de Rossi na talagang mas pinili niya ang magartista kaysa tapusin ang kanyang pag-aaral.

Sa isang vlog, sinabi ng aktres na ang tunay na dahilan daw kung bakit siya tumigil sa pag-aaral ay para mag-concentrate na lamang sa pag-aartista at talagang umayaw na siya sa pag-aaral.

Dagdag pa niya, siya na ang nagpumilit sa kanyang ina na mag-concentrate na lamang siya sa pagso-showbiz.

“Noong nandiri ako sa school. Ayoko na mag-aral. ‘Mama, ayoko na mag-aral. Gusto ko na lang mag-artista,’” sabi ni Alessandra.

Iniyakan daw talaga ito ng kanyang nanay at nagsumamong tapusin muna ang pag-aaral at maka-graduate sa college. Pero buo na raw ang desisyon niya na hindi na pumasok sa school.

“Kasi nga ayoko nang mag-aral, ‘yun talaga yung totoong reason. Napagod ako. Ayoko nito. ‘Mommy, gagawin ko ang lahat,’” saad niya.

Natatandaan pa raw niya nang sabihin sa kanya ng ina na darating ang araw na pagsisisihan niya ang pagtigil sa pag-aaral at totoo naman daw ang tinuran ng nanay niya.

Na-realize raw niya ang kahalagahan ng edukasyon noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan nawalan siya ng trabaho at pagkakakitaan.

“True enough may ganu’ng pagsisisi. Sometimes lalo na nu’ng pandemic yung mare-realize mo totoo yata yung sinasabi na get a real job kasi hindi pang frontliner yung trabaho ko,” sabi ni Alex.

Sinubukan naman daw niyang maghanap ng online courses para kahit paano’y may ginagawa siyang productive habang may pandemya pero hindi siya makapagdesisyon sa dami ng pwede niyang pag-aralan.

Inaasahan ni Alessandra na magiging busy uli siya sa showbiz sa mga susunod na buwan dahil nagdesisyon na siyang tumanggap muli ng acting projects.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial