MAGPA-BOOSTER SHOTS NA KAYO!

Nananawagan sa publiko ang Department of Health (DoH) na magpabakuna na ang mga ito ng booster shots laban sa coronavirus disease (COVID-19) upang masigurong magiging ligtas ang lahat at nang hindi na magkaroon pa ng panibagong surge ng nakamamatay na sakit.

Ayon sa datos ng Health department, nasa 72.8 million na Pilipino na ang nakakumpleto ng kanilang primary COVID-19 doses as of September 12, habang higit 18.6 million naman ang nakatanggap ng 1st booster dose habang 2.5 million ang may second booster shot.

Target ng DoH na sa unang 100 days ng bagong administrasyon ay ma-booster shot ang 23 milyong Pilipino, pero dahil sa baba ng nagpaturok, 70 percent ng eligible population ang target na ma-booster bago matapos ang taon.

Sa Quezon City, walang palya ang vaccination sa iba’t ibang lugar gaya ng health centers, covered courts, at malls.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kahit pa magtapos ang pandemiya, mananatili pa rin ang banta ng coronavirus.

“The virus will stay expectedly, so we expect outbreaks every now and then, expectedly it will cause 1-2 deaths because hindi naman mawawala yang COVID-19,” saad ni Vergeire.

Nitong Biyernes, balik sa moderate risk classification ang Metro Manila kung saan karagdagang 1,251 na kaso ng COVID ang naitala.

Samantala, nitong Lunes pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 3 kung saan voluntary na lang ang pagsusuot ng facemask sa outdoor settings.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial