3 taga-gobyerno laglag sa drug-den raid

September 19, 2022

Kalaboso ang tatlong mga tauhan ng munisipyo matapos maaktuhan sa isang drug den na ni-raid ng mga awtoridad at makuhaan pa ng shabu sa Iligan, Lanao del Norte nitong Sabado.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ay kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Allan Balasabas Bagaipo, drug den maintainer; Joneldan Taganas Salvo at Renato Alivio Osmeña, pawang mga taga Purok 5, Barangay Upper Hinaplanon.

Bago ang isinagawang pagsalakat ay nakatanggap sila umano ng tip ang nasabing ahensya hinggil sa nasabing drug den sa lugar.

Nasa 12 gramo ng shabu na may street value na P81,600 ang nakumpiska mula sa kanila.

Kinumpirma ng mga awtoridad na mga empleyado nga ng nasabing lokal na pamahalaan ang mga naaresto ngunit hindi sinabi kung anong tanggapan ang mga ito.

Kasong paglabag sa Article II of the Republic Act RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlo.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial