Jodi Sta. Maria, nininiyerbiyos pa rin

September 16, 2022

Aminado ang aktres na si Jodi Sta. Maria na may niyerbiyos pa rin siya ngayong magsasama sila sa unang pagkakataon ni Coco Martin sa 2022 Metro Manila Film Festival entry na “Labyu With An Accent” under Star Cinema.

Si Coco rin ang magiging direktor ng pelikula.

Ayon kay Jodi, talagang kinakabahan pa rin siya.

“Yes oo. Hindi ko alam. Actually kasi siguro mas kinakabahan,” sabi ni Jodi. “May isang beses na nagkasama kami ni direk sa pictorial and then of course siyempre magtatrabaho kami hindi lang bilang artista, pero magiging director ko siya.”

“So I had to ask questions talaga ano ‘yung working style niya, kasi siyempre kailangan kong mag-adjust doon. Ultimo kung anong oras ba siya nagigising, para alam ko kung anong oras ba kami dapat nasa-set makapag-prepare at ma-adjust ko ang tulog ko,” dagdag niya.

Sabi pa ng premyadong Kapamilya actress, magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya sa nalalapit na shooting nila ni Coco at looking forward din siyang ma-experience ang style ni Coco bilang direktor.

“Tulad nga ng sabi niya na buhay ang istorya so hindi siya nakakahon which means na there will be time and moments na ‘ito ang scene, sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin as your character and then magbatuhan na lang tayo.’ So, parang ako ‘yung, ‘oh that’s nice’, kasi at the same time nakakakaba,” saad ni Jodi.

“Ako naman ang training ko sa industry was sobra akong naka-stick sa script naman, ‘yun kasi ang training ko na babasahin ko tapos ‘yung mga lines, lalagyan ko ng kung anong emosyon dito and underlying context nito. Pero wine-welcome ko rin ang challenge to be working with the kind of style na as direk Coco has,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial