Jennica Garcia, may hugot

September 16, 2022

May hugot pala sa IG ang aktres at celebrity mom na si Jennica Garcia sa isang sabaw.

Kamakailan kasi, nagpost si Jennica ng kanyang naging experience niya sa pagbili ng mushroom soup sa isang grocery.

“YUNG BUMILI KA NG MUSHROOM SOUP SA GROCERY… Sa picture ang daming po buong mushroom, pero nung niluto mo wala naman po. Pero bigay po natin sa brand na lasang mushroom naman po talaga. Hindi niyo nga lang po makikita,” sabi ni Jennica sa caption ng kanyang video.

“Bali IMAGINE lang po natin na may mushroom po,” dagdag niya.

Agad napa-react ang nanay niyang si Jean Garcia, “Dito sa house honey maraming mushroom, bigyan kita, dalhin mo dito yang mushroom soup mo hihihiii! Amishuuuuu ‘Nak!”

“Kapag bibili ako nang mushroom soup bumibili talaga ako nang small can nang mushroom. kasi walang laman powder lang po,” sabi naman ng isang netizen.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial