Ava Mendez, maselan

September 15, 2022

May pagka-maselan pala ang sexy actress na si Ava Mendez pagdating sa kanyang mga nakakapareha sa pinilakang-tabing.

Sa kanyang bagong pelikulang “The Escort Wife” mula sa Vivamax, inamin ni Ava na mahirap din pala para sa isang escort girl na pagbigyan ang kanyang kliyenteng malaki magbayad kapag hindi ito maayos sa kanyang personal hygiene.

Ayon pa sa dalaga, may mga inaprub siyang okay siyang halikan at may ibang hindi niya inaprub.

“Ang hirap kasi kahit ayaw namin sila wala kaming choice kasi nagbabayad naman nang malaki, so, trabaho lang ‘yun. Siguro nahirapan ako…oh my God natawa ako sasabihin ko ba na nahirapan ako? Bago sinabi ni direk sa akin na may iba-ibang guy kaming iaano (love scenes) sabi ko, ‘direk pipili ako kung sino ‘yung hahalikan ko kasi ‘yung iba hindi ko bet. Ha-hahaha!” saad ni Ava.

Dagag niya, may usapan na siya at si direk Paul na kapag nag-thumbs up ang sexy star ay ibig sabihin okay siya sa kapartner niyang guy.

“Kapag sinabi ko kay direk (thumbs up) okay, pero pag sinabi kong (cut it off) no! So, si direk (sasabihin), okay ganito ang concept ganito, ganyan.’ I’m saying I am safe. Thank you direk,” sabi ni Ava.

“Hindi ko pa rin kaya kahit malaki ang bayad, paano kung ang mabantot di ba? Oh my God, ‘huy mag-toothbrush ka muna. Oo may bayad ‘yan kapag mabaho, ah,” dagdag pa niya.

Mapapanood na sa Vivamax ang “The Escort Wife” sa Biyernes, September 16 mula sa direksyon ni Paul Alexei Basinillo, sinulat ni Direk Yam Laranas, line produced ng Mesh Lab, handog ng Viva Films.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial