Gang rape? Bangkay sa ilalim ng tulay

Hinihinalang na-gang rape ang dalagitang (16) natagpuang wala nang buhay sa ilalim ng isang tulay sa Trece Martirez, Cavite, Lunes ng umaga.

Malalalim ang sugat sa leeg at ulo at walang kasuotang pangibaba ang Grade 9 nang matagpuan sa tulay sa Brgy. Cabuco.

May limang persons of interest na ang pulisya na pawang mga construction workers at hindi umano residente ng lugar ang mga ito.

Sasailalim sa genital examination ang biktima upang matukoy kung talaga bang ginahasa ito.

Ayon naman sa ama ng biktima, 10 pm ng Linggo nang magpaalam ang biktima na matutulog sa bahay ng kanyang kapatid na kapitbahay rin lang nila.

Ngunit, pagdating sa bahay ng kapatid, 11:00 pasado ng gabi ay nagmamadali umano itong umalis at walang pinagpaalaman.

Samantala, narekober naman sa lugar kung saan nakita ang bangkay ng biktima ang isang patalim, tsinelas at brief.

Sa ngayon ay patuloy pa rin na nangangalap ng mga CCTV footage sa mga lugar na posibleng dinaanan ng biktima at mga salarin.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial