Ivana Alawi, payag agad sa pelikula

Patuloy pa rin ang mga blessings na natatamasa ngayon ng aktres at sexy vlogger na si Ivana Alawi dahil bukod sa teleseryeng kanyang pinagbibidahan, heto at may nakaabang na namang proyekto para sa kanya.

Napipintong magkaroon ang dalaga ng Metro Manila Film Festival 2022 entry na “Partners In Crime” kasama ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Ayon kay Ivana, wala na siyang mahihiling pa.

“I feel super grateful and I’m very thankful to ABS-CBN for the chance and opportunity kasi nung bata ako pangarap ko lang ito eh. At ngayon nagkakatotoo siya dahil sa ABS-CBN. And I’m very grateful. I’m humbled and blessed talaga,” sabi ni Ivana sa isang panayam.

Dagdag niya, agad-agad daw siyang sumagot ng “yes” nang ialok sa kanya ang MMFF movie ni Vice. Hindi pa nga raw niya ang magiging role niya sa pelikula ay tinanggap na niya ito.

“I was so happy and so excited. Hindi nga ako nagtanong kung anong kwento kasi, oh my gosh, kasi to be with Vice pa lang, malaki na yun para sa kin. It’s an achievement,” sabi ng dalaga.

Looking forward din siya na makatrabaho si Direk Cathy sa “Partners In Crime” under Star Cinema na inilarawan pa niyang “a once in a lifetime opportunity.”

“Gusto ko lang i-enjoy ito kasi it’s a once in a lifetime opportunity for me to work with Ms. Vice Ganda and of course, Direk Cathy,” sabi ni Ivana.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial