Cloe Barreto, may pasabog

September 12, 2022

May pasabog ang sexy actress na si Cloe Barreto sa kanyang pinakabagong offering ng Vivamax na “#DoYouThinkImSexy” ngayong balik na sa face-to-face classes ang mga estudyante.

Kasama ng aktres sina Marco Gomez, Chloe Jenna, Hershie de Leon, Milana Ikimoto at Ava Mendez , sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Dennis Marasigan.

Nitong nakaraan ay nagkaroon ng private screening para sa pelikula at marami sa mga nakapanood ang nagsabing maganda nga at napapanahon ang ang pagpapalabas nito sa Vivamax streaming app dahil tatalakayin dito ang isa sa matagal ng problema sa mga eskwelahan, ang iba’t ibang uri ng sexual harassment na ang karamihan ay ginagawa ng mga teacher.

Bukod dito, ibinahagi rin sa pelikula ang mundo ng mga camgirl at mga online sex worker na siyang karakter ni Cloe na ang tanging layumin lamang ay ang naitaguyod ang pamilyang umaasa sa kanya.

Dito, muling pinatunayan ng Vivamax sexy star na talagang nakakaarte siya bukod sa pagpapakita ng katawan at pakikipag-love scene sa kanyang leading man.

Ang role ni Cloe ay isang content creator sa #DoYouThinkIAmSexy.com at ang kinikita niya rito ay ginagamit niya sa kanyang pag-aaral at sa pagtulong sa pamilya. Elle ang gamit niyang pangalan bilang camgirl.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial