Magandang balita

By TDT

September 10, 2022

Pormal nang pinirmahan ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11767 o Foundling Protection Act na naisabatas noong Mayo. Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga foundling o mga batang inabandona at walang impormasyon sa kanilang kapanganakan at magulang.

Sa ilalim ng batas, hindi na stateless ang mga foundling kundi awtomatiko nang mabibigyan ng Filipino citizenship kung matagpuan sa anumang lugar sa Pilipinas at sa mga embahada nito.

“Sa DSWD, lagi kaming may natatagpuan na mga inabandona. Hindi malaman ang mga pangalan nila. Iniiwan sa mga ospital… mga iniiwan sa kalsada. Parang walang karapatan maging Pilipino dahil hindi natin malaman kung Pilipino sila lalo kung ‘yong bata mestizo o mestiza,” sabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo.

“Itong batas na ito, it doesn’t matter anymore anong kulay ng bata… Kahit blonde hair, blue eyes ‘yan, pero ‘pag dito siya natagpuan sa bayan natin at walang nag-claim, awtomatiko magiging Pilipino,” dagdag niya.

Isa ang National Authority for Child Care (NACC) sa mga ahensyang magpapatupad ng IRR ng batas para sa pagprotekta ng karapatan ng mga foundling.

“Foundlings who have reached the majority age without benefiting from the legal adoption process are also covered,” ayon kay Undersecretary Janella Ejercito Estrada ng NACC.

“By this, we accord them lifelong protection of their rights and liberties by institutionalizing our policy that they be not deprived or discriminated by reason of being a foundling,” dagdag niya.

Ang isa sa mga pinaka-prominenteng foundling ay si Senador Grace Poe at ayon sa kanya, isang tagumpay ang pagkilala sa mga inabandonang bata bilang natural-born Filipinos citizens.

Magandang balita ito kung tutuusin dahil ngayon ay hindi na mawawalan ng pagkakakilanlan ang mga foundlings at mga inabandonang mga bata.

Sana lamang ay maipatupad ito ng maayos.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial