Ava Mendez, napagsamantalahan

September 10, 2022

Inamin ng isa sa mga bombshell ng Vivamax na si Ava Mendez na nakaranas na siya nang pananamantala noong hindi pa siya nag-aartista.

Ayon sa dalaga, dati niyang college professor ang nang-abuso sa kanya at kuwento pa niya, nagkagusto daw sa kanya ang isa n’yang professor sa kanyang major subject.

“Kasi noong college student ako sa CEU, nag-aral ako ng HRM and then meron isang prof ng major subject ko na nagkagusto sa akin,” sabi ni Ava at dagdag niya, nangyari daw ang pananamantala sa kanya ng hindi niya pinangalanang professor nang bumagsak siya sa subject nito.

“Meron akong subject sa kanya na bagsak ako…na hindi ako nag-a-attend kasi that time na ’yon may depression ako dahil sa family ko. Meron kaming problema sa financial. So, ang ginagawa ko nu’n, nagta-trabaho ako habang nag-aaral ako,” sabi ng dalaga.

Dito na daw s’ya nakatangap ng indecent proposal mula sa kanyang guro.

“Ang nangyari, may gusto sa akin ’yong prof and then in-offer-an [n’ya] ako kung anong p’wede kong gawin para makapasa ako. Sa sobrang depressed ako, wala na ako sa pag-iisip, pumayag ako doon sa sinasabi n’ya—once lang,” sabi ni Ava.

Naging maayos naman daw ang student-teacher relationship nila ng kanyang professor pagkatapos ng nangyari. Iyon nga lang, gusto pa raw nitong makaulit sa kanya.

“Pero nu’ng naging okey na kami, ’yong relationship namin, ang nangyari parang gustong umulit pero ako, ayoko na kasi parang ang sakit sa akin nu’n, e. Up to now, meron pang konting trauma pero nakakaya ko namang i-tolerate,” sabi pa ni Ava.

Dahil sa pangungulit ng nasabing professor sa kanya ay napilitan na s’yang magsumbong sa dean ng eskwelahan.

“After nu’n, hindi ko na pinayagan. Pinasumbong ko na sa dean at na-expel na po s’ya,” saad ng dalaga.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial