Angela Morena, may inamin

September 10, 2022

Aminado ang sexy actress na si Angela Morena na nakaranas na siya ng pangma-manyak noong wala pa siya sa showbiz.

Sa mediacon ng pelikulang “5 in 1, Patay Kang Manyak Ka” kung saan kasama rin niya si Rose Van Ginkle at Wilbert Ross, sinabi ng dalaga na three years ago pa nangyari ang naging karanasan niya.

“Namanyak na ako. That was three years ago. Wala pa ako sa showbiz. Someone molested me, pero nahuli namin ‘yung lalaki and nagsampa ako ng kaso. Dahil doon, takot na talaga ako sa mga manyak at maingat na ako,” kuwento ng dalaga.

Samantala, natanong din ang dalawang sexy star kung nagkaroon na sila ng dyowa na manloloko o two-timer. Sagot ni Rose, “No, I’ve never experienced it. If I ever I’d do, siyempre, hindi ako papayag. Hiwalay agad.”

“Ako rin, hindi ko pa na-experience. Minsan pa lang naman ako nagka-boyfriend and if ever, hindi ko rin ito-tolerate. Break kami agad,” sey ni Angela.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial