Ivana Alawi, proud sa kapatid

September 9, 2022

Proud na proud ang aktres at sexy vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang kapatid na dati ring childstar na si Mona Louise Rey dahil hiniling nito na ipagdiwang na lamang ang kanyang 18th birthday kasama ang pamilya sa isang intimate at simpleng party.

Ayon kay Ivana, ayaw daw ng nakababata niyang kapatid na magdaos ng magarbong debut party kaya simpleng selebrasyon na lamang ang ginawa nila kung saan nagpunta sila sa isang resort sa Batangas at doon isinagawa ang naisip nilang paandar na pajama party.

Of course, bukod kina Ivana at Mona, naroon din ang nanay nilang si Fatima at kapatid na si Hash. Nagsalu-salo sila sa inihanda nilang cloud-themed dinner para kay Mona.

Enjoy na enjoy din ang debutante sa bonggang fireworks display na kinarir nina Ivana para sa special day ng kapatid.

Sabi ni Ivana sa kanyang vlog, proud na proud siya kay Mona dahil mas pinili nitong ibahagi sa mga batang tulad niya na may mga karamdaman ang perang gagastusin sana sa kanyang debut.

Bata pa lang ay na-diagnose na si Mona ng Type 1 diabetes.

“Natuwa lang ako sa kanya kasi ayaw niya gumastos sa party,” sabi ni Ivana.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial