Herlene Budol, may inamin

Aminado ang aktres at Binibining Pilipinas 2022 first runner up winner Herlene Budol na hindi niya umano nakahiligan ang maligo noon at wala pa rin siyang arte sa katawan kahit pa naging beauty queen na siya.

May ilang mga netizens ang nagsasabing hindi pa rin siya nagbabago at hanggang ngayon ay walang pretensiyon, diretsahan at totoong-totoong tao.

Kaya naman nagulat ang lahat ng aminin niyang bihira lamang siyang maligo noon pero ngayon daw ay masipag na siyang mag-shower at natuto na ring mas alagaan ang katawan dahil isa na rin siyang beauty queen at brand endorser.

“Dati talaga, hindi ko favorite maligo. Lalo na ngayon, may bagyu-bagyo? Uy, pag naulan lang, ay perfect, walang ligo. Nag-iinit pa ako ng tubig, kapag may emergency na lakad. Open book kasi ako sa lahat na ginagawa ako, kung ano ang ginagamit ko. Dati talaga, sure ako du’n, hindi ako palaligo. So, mga singit-singit ko, dugyutin. Ngayon, medyo masipag na ako nang konti,” sabi ni Herlene nang ipinakilala siya bilang ambassador ng isang lotion.

Ayon kay Herlene, wala naman daw talagang nagbago sa kanya kundi may mga nadagdag lang, kabilang na riyan ang pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang sarili.

Kaya naman nang sumali si Herlene sa Binibining Pilipinas ay todo ang suportang ibinigay nila sa aktres at hindi rin daw nila pababayaan ang dalaga sa pagsali nito sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial