Barbie Imperial, naka-move on na

September 9, 2022

Bagaman hindi naging madali para sa aktres na si Barbie Imperial ang pinagdaanan niya nang maghiwalay sila ng kanyang nobyong aktor na si Diego Loyzaga, inamin ng dalaga na nakapag-move on na rin siya sa heartbreak.

Ayon sa dalaga, ilang buwan din tumagal bago niya naramdaman na naka-recover na siya totally sa paghihiwalay nila ng aktor matapos ang mahigit isang taong relasyon.

Sabi pa niya, “fully healed” na siya sa masaklap na nangyari sa love story nila ni Diego.

“It took me months maging fully healed. Last month lang before my birthday. Kasi nalaman ko na hindi pa ako fully healed. Kasi nu’ng nag-break kami ng ex ko parang I tried to go out with someone, date lang walang anything, walang label, walang ano. Tapos na-feel ko na ‘ay hindi ko pa kaya.’ So medyo nag-hold back ako,” sabi ni Barbie.

Dagdag pa niya, nais pa muna niyang maramdaman na buong-buo uli ang kanyang sarili at pagkatao bago siya pumasok muli sa bagong relasyon.

“Sinabi ko sa guy na ‘sorry, I am not ready pa pala, parang I need to heal myself first, bago ako pumasok sa bagong relationship.’ Kasi it’s very important na buo ka, mag-heal ka muna alone, kasi masasaktan mo ‘yung ibang tao if you don’t heal,” saad ng dalaga.

“Ngayon fully healed na ako,” ang paniniguro ni Barbie. “Minsan kasi, gigising ka na lang akala mo okay ka na tapos paggising mo ‘ano ba ‘yan ‘di pa rin pala.’ So lately okay naman po ako na gumigising.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial