Belle Mariano, winner sa South Korea

September 7, 2022

Nagwagi pala ang young actress na si Belle Mariano sa 17th Seoul International Drama Awards at iniuwi niya ang karangalan bilang Outstanding Asian Star sa taunang Seoul International Drama Awards na ginanap sa South Korea.

Kinumpirma ng Rise Artists Studio, isa sa talent management arm ng ABS-CBN Films, na siyang nangangalaga sa career ni Belle, ang bonggang good news.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinakita ng RAS ang pagkapanalo ng dalaga na siyang kauna-unahang Filipino actress na na nakapag-uwi sa bansa ng nasabing award.

“Congrats Belle for winning the ‘OUTSTANDING ASIAN STAR’ in the Seoul International Drama Awards. Rise Fam is very proud of you!” saad sa caption.

Ang pagkapanalo ni Belle ay nangyari rin matapos ang back-to-back na tagumpay ng mga award-winning Kapuso stars na sina Alden Richards (2019) at Dingdong Dantes (2020) sa Seoul International Drama Awards.

Inaasahan ang pagdalo ni Belle, kasama ang iba pang honorees sa magaganap na formal awarding sa Seoul, South Korea, sa September 22 na mapapanood live sa KBS 2TV.

Parehong nominado sina Belle at Donny para sa Outstanding Asian Star category para sa natatanging performance nila sa “He’s Into Her”.

Bukod sa “He’s Into Her” series ng DonBelle, bumida rin sila sa pelikulang “Love Is Color Blind” at malapit na ring ipalabas sa mga sinehan ang upcoming film nilang “An Inconvenient Love,” mula pa rin sa Star Cinema.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial