Napatay na hepe sa Maguindanao, inilibing na

September 7, 2022

Inihatid na sa kanyang huling hantungan nitong Martes ang labi ng dating hepe ng pulisya ng Ampatuan, Maguindanao na namatay sa isang ambush noong nakaraang buwan.

Inilibing sa Everest Hills Memorial Park sa Muntinlupa si Lt. Reynaldo Samson, isang linggo matapos ang pamamaril sa kaniya at mga kasamang pulis sa Ampatuan at dumalo sa libing ang ina ng pulis, na nagpasalamat sa mga kamag-anak at ibang nakiramay.

Nandoon din ang direktor ng Bangsamoro police, na sinabihan ang mga kapuwa pulis na huwag matakot at ipagpatuloy ang kanilang laban upang hindi masayang ang pagbubuwis-buhay ni Samson.

Maghahain sana ng arrest warrant si Samson at mga kasamang pulis noong Agosto 30 nang sila ay pagbabarilin.

Maliban kay Samson, isa pang pulis, si Corp. Salipuden Endab, ang nasawi rin sa ambush habang dalawa pang kasamahan nila ang nasugatan.

Kung matatandaan, magse-serve umano ang mga biktima ng warrant of arrest. Pero pagdating sa lugar ay pinaulanan na sila ng mga putok ng baril.

Nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya para mahuli ang mga suspek.

Sa isang pahayag, kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang insidente at sinabing tinutugis na ang mga nasa likod ng pamamaslang.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial