Guy, deds sa ex ni GF

Tinadtad ng saksak ang isang lalaki ng dating kasintahan ng kanyang nobya sa Marilao, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Ralph Carriedo (25), residente ng Brgy. Sta. Rosa 1 habang ang biktima ay si Ronald Gracia, 36 ng Brgy. Lambakin.

Sa ulat ng Marilao Police, 12:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente noong Huwebes sa Brgy. Patubig.

Naglalakad umano noon ang magkasintahang sina Ronald at Ayessa para bumili sa tindahan nang sundan ni Ralph hanggang sa makasagutan nila ito.

Dahil dito, nagpang-abot ang dalawa hanggang sa bumunot umano si Ralph ng patalim at inundayan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Nang humupa ang sigalot, agad namang humingi ng tulong ang mga residente sa lugar sa mga tanod ng Brgy. Patubig na nauwi sa agarang pagkakahuli dito.

Mabilis namang naisugod ng Marilao Rescue Team ang biktima sa Bulacan Medical Center at ngayon ay nagpapagaling.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong Frustrated Homicide.

 

cherkiecherry🍒


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial