Andrea Brillantes, CEO na

September 2, 2022

Made na businesswoman na talaga ang young actress na si Andrea Brillantes dahil sa kanyang edad ay isa na siyang Chief Executive Officer o CEO ng kanyang trading business.

Sa kanyang FB, ipinakita ng dalaga ang larawan niya kasama ang mga katuwang niya sa kumpanya.

“5 years old pa lang ako alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay ko, ang mag artista. Pero maraming hindi nakakaalam na dream ko talaga ang magka-business for my family. This business that I am launching this November has been in development for so long and I am so happy that I can finally share it with you all very soon. I am so thankful that I have the right team with me in my corporation.

Please follow my journey as a first time CEO and business owner,” sabi ni Andrea sa kanyang caption.

“Lubos akong nagpapasalamat sa suporta ninyong lahat. I am so blessed and grateful for all of you. Mahal na mahal ko kayo,” dagdag pa niya.

Survivor at achiever talaga ang aktres dahil naikuwento naman niya sa kanyang panayam noon kay Karen Davila sa YouTube channel nito kung anong hirap ang dinanas nilang pamilya na kailangan niyang isakripisyo ang mga pangangailangang pansarili para ibigay sa mga kapatid.

Sa murang edad ay breadwinner na si Andrea kaya pinagbuti niya ang trabaho niya nang makapasok siya sa showbiz at naging maganda rin ang tandem nila ng mommy niya dahil magaling humawak sa kita ng anak.

Sa edad na 17 ay naipatayo na niya ang pangarap na bahay para sa pamilya na isang Mediterranean style at bayad na ito.

At ngayon edad 19 ay heto at isa na siyang CEO sa trading business niya na eventually ay gusto rin niyang madagdagan pa.

Nabasa namin ito sa kanyang FB page na tinag si Andrea,

“At the age of 17, Andrea Brillantes was able to build a house for her family. At the age of 19, she is building her own EMPIRE. Andrea Brillantes will be the Youngest Celebrity CEO in the Philippines.

Proud is an understatement.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial