Ayanna Misola, may chance sa pag-arte

Bagama’t nalilinya sa mga sexy roles ang baguhang aktres na si Ayanna Misola, hindi malayong makakuha rin siya ng recognition hindi sa paghuhubad kundi sa kanyang pag-arte.

Marami ang nagsasabing may K umarte ang dalaga at ilang beses na itong napatunayan sa mga pelikulang nagawa na niya under Viva Films.

Ilan nga sa mga top rating Vivamax Originals na pinagbidahan ni Ayanna ay ang “Kinsenas, Katapusan,” “Putahe,” “Siklo,” at ang remake ng classic Viva Films movie na “Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili.”

Sa ngayon, kasama si Ayanna sa pelikulang “Bula” kung saan kasama rin sa cast sina Mon Confiado, Gab Lagman at ang isa pang palaban sa hubarang sexy star na si Rob Guinto, sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr.

Bukod sa daring scenes gaya ng frontal at mga pasabog na sex scenes niya kasama ang kanyang mga leading man, mapapansin rin na may lalim ang pag-arte ng dalaga, lalo na sa mga eksena nila ni Mon na gumaganap na baldado niyang “lover.”

Siguradong magmamarka rin sa Vivamax subscribers ang confrontation scene nila ni Gab nang mabuking na ang mga itinatago niyang sikreto bilang si Meldie na attendant sa isang laundry shop.
Mapapanood na ang “Bula” sa Vivamax simula sa September 2.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial