Negosyante patay; misis, 3 pa kulong

August 31, 2022

Malamig na rehas ang yakap-yakap ng ng isang misis matapos nitong ipapatay ang kanyang negosyanteng asawa kung saan ay kasama niyang naaresto ang tatlo pa niyang kasabwat sa San Miguel, Bulacan, nitong Linggo.

Kinilala ni Bulacan Police Acting director PCol. Charlie Cabradilla ang mga suspek na sina Maricel Beltran, misis ng biktima at mastermind, Benjie Garcia, gunman, mga kasabwat na sina Romie De Guzman at Anthony Velasquez, foster son ng biktima na siyang naging middle man sa pagpatay.

Habang ang biktimang fish pond owner at negosyante ay kinilala ring si Ryan Beltran, 39, residente ng Brgy. Maligaya ng nasabing lugar.

Alas-11:00 pasado ng gabi nang maganap ang insidente sa mismong rest house ng biktima sa San Miguel.

Base sa salaysay ni Maricel, mahimbing na umanong natutulog ang kanyang mister nang magising siya at pumunta siya sa banyo.

Doon ay bigla na lamang umano siyang nakarinig ng putok ng baril at nang pagbalik niya ay laking gulat na lamang niya nang makita ang kanyang asawa na naliligo sa sariling dugo.

Mabilis niyang isinugod sa Good Samaritan Medical Center sa Gapan City, Nueva Ecija ang mister ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Agad namang nagsagawa ng masusing imbestigasyon at magkakahiwalay na follow up operation ang pinagsamang puwersa ng San Miguel, San Indefonso Police at Provincial Intelligence Unit nang matanggap ang ulat ng pagpatay sa biktima.

Unang lumutang ang pangalan nina Maricel bilang utak sa pagpatay at Anthony bilang middleman at dahil na rin sa extra judicial confession at base na rin sa mga mensaheng nakita sa mga cellphone ay inaresto na rin ang mga ito.

Sunod ding naaresto ang dalawa kasama si De Guzman sa Brgy. Kalawakan, na nahulinan pa ng.45 caliber na baril at granada, habang si Garcia ay naaresto sa Brgy. Pulong, Bayabas ay nakunan din ng .38 caliber na baril.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nasabig kaso upang malaman ang motibo sa pagpatay, nasa kustodiya na rin ng nasabing himpilan ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong pagpatay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial