Ava Mendez, walang kiyeme

Walang kiyeme sa paghuhubad ang sexy actress ng Vivamax na si Ava Mendez at kuwento niya, mas kampante siyang hindi mag-plaster sa mga sex scenes kapag kilala niya ang kanyang kaeksena.

“Although sa lahat ng mga sexy scene ko dati, hindi talaga ako nagpa-plaster.

“Kapag hindi ko kilala yung guy, parang naiilang ako, nagpa-plaster ako. Pero siyempre kay Kuya Mond, hindi ako nag-plaster,” saad ni Ava.

Ang tinutukoy niyang Kuya Mond ay ang aktor na si Raymond Bagatsing, na all-out rin sa mga sex scenes sa pelikulang “The Escort Wife” kung saan kasama rin nila si Janelle Tee.

“Pinasabi ko kay Direk Paul. Sabi ko, ‘Direk, baka mailang sa akin si Kuya Mond. Baka mamaya bigla akong sakalin kasi hindi ako naka-plaster.’ Una, na-intimidate ako. Parang medyo nailang ako kasi ang tahimik ni Kuya Mond, hindi nagsasalita. Nu’ng natapos na yung scene namin, sabi ko okay naman pala si Kuya Mond. Kailangan pala i-approach mo siya. Akala ko masungit siya. Pero nu’ng kinausap ko, okay naman pala,” sabi pa ng dalaga.

Mapapanood na sa Vivamax ang “The Escort Wife” simula sa Sept. 16.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial