Marian Rivera, walang kupas

Hanggang ngayon ay talaga namang sizzling pa rin ang kagandahan ng aktres na si Marian Rivera at dahil birthday niya, nagsagawa siya ng isang photoshoot kung saan naka-showcase ang kanyang walang kupas na kagandahan at kasexyhan.

Talagang super sexy at litaw na litaw ang kaputian at kagandahan ni Marian sa kanyang suot na all black outfit.

“Completely charmed,” saad ng aktres.

Sa kabila ng panibagong taon na dagdag sa kanyang edad ni Marian ay para bang wala namang nagbago sa itsura at katawan ni Marian dahil maalindog at kabigha-bighani pa rin ito at talagang hiyang sa pag-aalaga ng asawang si Dingdong Dantes.

Bumuhos naman ng papuri at pagbati ang IG post niya mula sa mga netizens at mga kapwa artista.

“Happy birthday, Marian!” saad ni Carla.

Comment naman ni Iya Villania, “Grabe! Ang ganda!!! Happy birthday, Yan!”

“Pakaganda talaga happy birthday queen,” sey naman ni Zeinab Harake.

Nagpasalamat naman si Marian sa lahat ng mga tagasuporta maging sa kanyang mga kasama sa industriya na hindi nakalimot sa kanyang espesyal na araw.

“Thank you for all your birthday greetings and wishes. Beyond grateful for all of you,” caption ni Marian sa kanyang post.

Speaking of Dingdong Dantes, hindi naman nakalimutan ng aktor na batiin ang pinakamamahal.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial