Julie Anne San Jose, madaming blessing

August 14, 2022

Maraming blessings ang natatanggap ngayon ng tinaguriang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose ngayong taon kaya naman nagpapasalamat ang dalaga sa mga tagumpay na natatamo niya.

Sa kanyang Instagram account ay very proud na ipinakita ng Sparkle star ang trophy para sa Silver Award na nakuha ng “Limitless: A Musical Trilogy” mula sa 2022 New York Festivals TV and Film Awards at matatawag na milestone sa kanyang career ang passion project niyang ito.

Isa pang masayang balita ni Julie sa kanyang fans ay ang special collaboration niya kay Gary Valenciano.

Ayon kay Julie, dream come true ang makatrabaho ang singer-songwriter para sa proyektong ito kung saan siya mismo ang nagsulat ng kantang “Di Ka Akin.” Mapapakinggan ito sa lahat ng digital music streaming platforms.

At bukod diyan, inaabangan na rin ang pagbabalik-akting ni Julie sa historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan makakatrabaho niya sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Drama King Dennis Trillo.

Sa serye ay gagampanan niya ang karakter ni Maria Clara na mula sa nobela ni Jose Rizal.

At sa personal naman niyang buhay, swerte rin ang dalaga dahil mukhang #RoadToForever na nga ang peg ng relasyon nila ni Rayver Cruz na finally ay umamin nang nanliligaw sa kanya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial