Janine Gutierrez, hindi pa umaamin

Marami pa rin ang nagtatanong kung ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, pero marami ang naniniwala na sila na, base na rin sa mga ikinikilos ng mga ito, idagdag pa ang mga “paramdam moments” nila sa isa’t isa sa social media.

Pero hanggang ngayon nga ay wala pa ring kumpirmasyon at diretsahang pag-amin sina Paulo at Janine kung magdyowa na ba sila o nasa ligawan stage pa lang.

Balitang mas naging close pa ang dalawa nang magkasama sa Amerika para sa US concert tour ni Ogie Alcasid ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

At bago nga ito, balitang na-develop ang feelings nina Janine at Pau nang gawin nila ang hit Kapamilya series na “Marry Me, Marry You”.

Sa isang interview, natanong nga si Janine kung ano na ba talaga ang status ng relationship nila ni Paulo.

“We see each other. Kaya lang pareho rin kaming busy kasi maraming trabaho. Maraming blessings na dumarating and I’m so thankful for all the wonderful opportunities coming my way,” sabi ni Janine.

At sa diretsahang tanong kung nanliligaw na ba sa kanya ang aktor, “Ewan ko. Ha-hahaha! Ang daya naman kasi wala siya rito, e. Dapat siya ang tanungin n’yo. Alangan namang ako pa ang sumagot sa ganyang tanong, e ako yung girl.”

Samantala, request naman ng fans nila ni Paulo, sana raw ay magkaroon na ng follow-up ang “Marry You, Marry Me”.

“Yes, they tweet us constantly. They make a collage of our pictures together. They miss us daw. So sana nga, we can get to work again together in the near future,” sey ni Janine.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial