Sunshine Cruz, bina-bash pa rin

August 13, 2022

May mga netizens talaga ang hindi yata natatahimik hanggang hindi nila nababash ang ilang mga celebrity, at ang isa nga sa mga biktima nito ay ang aktres at celebrity mom na si Sunshine Cruz.

Nitong nakaraan kasi, nagpost sa social media si Sunshine ng ilang mga screenshots ng mga bashers niya na patuloy na kumukwestiyon sa kanyang mga outfits dahil marami umano ang tila hindi nagugustuhan ang pagsusuot ni Sunshine ng sexy outfits dahil hindi na raw ito bagay sa edad niya lalo na at may mga anak na siya.

“What happen to you? Wala ka na sa edad para magpopost ng ganyan,” saad ng isang netizen.

Sey pa ng isa, “Kasawa rin yung puro [ganyan] itsura nya. Wala ba [siyang] damit?

Kaya naman hindi na rin napigilan ni Sunshine at mahinahon itong pumalag sa mga komento ng netizens.

“Wearing clothes that make us feel pretty, confident and happy is never a sin. Sa mga kababaihan at kalalakihan who still believe na may category ayon sa edad ang pananamit, pasensya na po, I will not let any of you control or change the way I am,” sabi ni Sunshine.

Dagdag pa niya, gustong-gusto niya ang pagde-dress up at nag-e-enjoy siyang isuot ang mga crochet tops na siya mismo ang gumawa.

“I love dressing up, I love wearing my own creations na crochet tops, I enjoy going to the beach with my children so expect to see more of me dito sa aking sariling facebook page,” sabi ng aktres.

May mensahe rin siya mga taong patuloy na na nababagabag sa mga pino-post niya sa social media.

“If my posts or my/our clothes bother you, kindly unfollow po for your own peace of mind,” saad ni Sunshine.

Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa aktres at sinabihan itong huwag na lamang pansinin ang ibang tao na sobrang toxic.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial