Jessy Mendiola, preggy na!

August 13, 2022

Inamin ng aktres na si Jessy Mendiola na buntis na siya nitong nakaraan sa kanyang asawang aktor na si Luis Manzano.

Sa isang vlog noong Huwebes, inanunsyo ng mag-asawa ang magandang balita at ibinahagi ni Jessy ang larawan ng sonogram, isang patunay na magiging mommy na siya at ipinagbubuntis na niya ang panganay na anak nila ni Luis.

Pati ang mga larawan ng kaniyang baby bump ay ibinandera rin niya.

Nag-post rin si Jessy ng larawan sa kanyang Instagram account.

“What a pleasant surprise! We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner,” saad ng aktres.

Dagdag pa ni Jessy, kahit na ano pa man ang kanilang maging plano ay may mas maganda pa ring plano ang Diyos para sa kanila.

“No matter what your plans are, HE has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best,” saad ni Jessy at ayon pa sa kanya, nagdesisyon raw silang ibahagi ang magandang balita sa pamamagitan ng video sa isang magandang chapel sa Benguet.

“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the best surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible,” saad ng aktres.

Lubos naman ang pasasalamat ng mag-asawa sa kanilang mga tagasuporta na noon pa man ay kasa-kasama na nila.

“Join us as we enter this new journey in our lives as parents,” dagdag pa ni Jessy.

pBumuhos naman ang pagbati para sa mag-asawa para sa panibagong milestone sa kanilang buhay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial